このページの先頭です
このページの本文へ移動
サイトメニューここまで

本文ここから

Kasong Pagpatay sa Roppongi 5-chome Nightclub

更新日:2017年11月1日

Isang leader ang lalaking ito ng isang grupong pinaghihinalaang pumatay ng isang lalaking kustomer sa pamamagitan ng bakal na bat, sa nightclub sa Roppongi 5-chome, Minato-ku, noong madaling-araw ng Linggo, September 2, 2012, at ang taong ito ay nakatakas.

Agad na tumakas ang lalaking ito sa ibang bansa pagkatapos ng kasong ito. Subalit may posibilidad na bumalik na siya sa Japan.
Maaaring nagtatago siya sa Tokyo, Shizuoka, Saitama o Miyagi Prefecture.

  • Pinakamalaking espesyal na perang reward ? 3 milyong yen
  • Pinakamalaking perang reward ng Asosasyon para sa Kooperasyon sa Imbestigasyon ng Kasong Pagpatay sa Nightclub sa Roppongi 5-chome ? 3 milyong yen

Wanted Suspect

Mitate Shinichi
見立 真一
(Birthday: March 16, 1979)

Mga Katangian

  • Tangkad
    168 cm.
  • Pangangatawan
    Katamtaman (Maskulado)
  • Buhok
     Maikli
  • Iba Pang Katangian
    Peklat (sa kaliwang bisig, sa itaas ng kaliwang mata, sa harapan ng ulo at sa noo)

Araw at Oras ng Pangyayari

Mga 3:43 ng umaga, Linggo, September 2, 2012

Lugar na Pinangyarihan

Sa loob ng bar Studio Flower sa 2nd floor ng Roi Roppongi Bldg. Roppongi 5-chome 5-1, Minato-ku, Tokyo

Ang Pinaghihinalaan

31 edad na lalaki noong nangyari ang krimen

Impormasyong Kailangan

  • Nakita ba ninyo o may kilala po ba kayong kamukha ng wanted na lalaki?
  • Kilala ba ninyo ang mga tumulong sa kanyang pagtakas?
  • Alam ba ninyo ang tinitirhan ng wanted na lalaki?
  • Alam ba ninyo ang mga pinuntahang lugar ng wanted na lalaki?

Mahalaga ang kahit kaunting impormasyong maibibigay ninyo. Pakibigay ninyo ang nalalaman ninyo.

Paunawa tungkol saSistema ng Programa para sa Espesyal na Perang Reward sa Imbestigasyon

Paraan ng Pagbabayad

Magbabayad ng perang reward sa sinumang nagbigay ng impormasyon na hahantong sa pag-aresto sa wanted na lalaki. Hindi hihigit sa 6 milyong yen ang kabuuan ng perang reward at hahatiin ito sa mga nagbigay ng impormasyon, batay sa kontribusyong naibigay nila sa imbestigasyon.
Hindi ipapaalam sa publiko ang pangalan ng taong nagbigay ng impormasyon, kaya pakisabi po ang tirahan at pangalan ninyo. (Hindi babayaran ng perang reward ang hindi nagsabi ng pangalan nila at iba pang impormasy tungkol sa sarili nila.)

Panahon ng Pagpapaalam

Mula November 1, 2017 hanggang October 31, 2018

Ang Magbabayd

Commissioner General ng National Police Agency

Para sa Impormasyon

Azabu Police Station, Tokyo Metropolitan Police Department
Special Investigative Team para sa Kasong Pagpatay sa Roppongi 5-chome nightclub
Telepono: 03-3479-0110

Contact

Murder Case Investigative Task Force of the Azabu Police Station.

Tokyo Metropolitan Police Department
TEL +81-3-3479-0110

情報発信元

警視庁 麻布警察署 殺人事件捜査本部
電話:03-3479-0110(署代表)

本文ここまで

以下フッターです。

警視庁

Tokyo Metropolitan Police Department

1-1 Kasumigaseki 2-chome, Chiyoda-ku, Tokyo 100-8929 Tel:03-3581-4321
Copyright © Metropolitan Police Department. All Rights Reserved.
フッターここまでこのページのトップに戻る